-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nababahala si Department of Health Region 10 (DoH-10) Regional Director Dr. Adriano Subaan ang posibilidad na tataas pa ang kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong rehiyon.

Ito’y matapos hindi pa rin nila masagot ang katanungan kung may bakit may nangyaring local transmission sa lungsod.

Inamin ni Suba-an na natatakot sa posibilidad na muling mangyari sa rehiyon ang flu pandemic noong 1918 na aabot sa 50 million katao ang namatay.

Umaasa si Subaan na makakahanap na nang bakuna ang buong mundo laban sa coronavirus.

Sa ngayon, 10 na ang nagpositibo sa COVID-19 sa buong Cagayan de Oro habang 23 confirmed cases ng COVID -19 ang natala ng buong rehiyon.