GENERAL SANTOS CITY – Umabot na ng 40 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease sa Soccsksargen Region.

Batay sa huling datos na inilabas ng Department of Health(DOH)12, umakyat na sa 35 ang naitalang kaso sa sakit dahil naidagdag kahapon ang nagpositibo na isang 24 yrs. old na lalaki na residente ng Sarangani Province.

Sa panayam ng Bombo Radyo GenSan, kinumpirma ni Mayor Vivien Yap ng Glan Sarangani Province na kanilang residente ang panibagong nagpositibo sa covid 19.

Ayon rito, asymptomatic o walang ipinakitang sintomas ng nasabing sakit ang naturang lalaki mula ng dumating sa GenSan hanggang sa idiretso ito sa Sarangani.

Kasama ng naturang pasyente ang mga indibidwal na umuwi noong May 31, 2020 mula sa Cebu kung saan nakasakay sa isang eroplano lamang.

Dagdag ni Mayor Yap na na-contact trace na nila ang lahat ng nakasalamuha ng lalaki na ngayoy nasa isang isolation facility at nasa stable na kondisyon.