-- Advertisements --

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 548 bagong kaso ng coronavirus disease sa hanay ng mga medical workers dahilan upang umabot na ang kabuuang bilang nito sa 9,042.

Sa daily COVID-19 report ng health department, pumalo naman ng 8,180 ang mga health workers sa bansa na gumaling na mula sa naturang sakit makaraang madagdagan ito ng 470 pa.

Nasa 59 naman ang total death toll habang 803 medical workers ang active cases at kasalukuyang nagpapagaling a naka-quarantine.

Binubuo ang nasabing bilang ng impeksyon ng 3,167 nurses, 1,677 doctors, 702 nursing assistants, 418 medical technologists at 216 midwives.

Kabilang na rin dito ang 500 pang non-medical personnel tulad ng utility workers, security guards at administrative staff.