CEBU CITY – Pumalo na sa 16,312 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong Central Visayas.
Base sa pinakahuling tala ng Department of Health sa huling araw ng Hulyo, nasa 9,095 mula sa nasabing bilang ang mga nakarekober dahil sa 539 na panibagong nadagdag habang 837 na ang mga namatay.
Nangunguna pa rin ang Cebu City sa rehiyon na may pinakamataas na kasong naitala na umabot na sa 9,000 ngunit mataas din ang bilang ng mga gumaling na umabot na sa 5,202.
Patuloy ding nadagdagan ang kaso ng nasabing virus sa Mandaue City na may 1,963; Lapu-Lapu City, 1,830; Probinsiya ng Cebu, 1,767; Talisay City, 763; Minglanilla, 398; Consolacion, 400; Negros Oriental, 104;at Bohol, 87.
“COVID-free” pa rin naman ang lalawigan ng Siquijor.
Sa ngayon, mayroon na lang 6,380 ang total active cases sa rehiyon at bumaba ang bilang ng naka-admit na nasa 1,879 habang 4,501 ang mga naka-isolate.