-- Advertisements --
Tiwala ang COVAX vaccine-sharing program na makakapagbigay sila ng 237 milyong doses ng COVID-19 vaccine ng AstraZeneca sa 142 na bansa hanggang sa katapusan ng Mayo.
Ito ay dahil sa pinabilis nila ang global roll-out ng mga vaccine supplies.
Mahahati kasi sa dalawa ang pag-deliver ng doses na una ay Pebrero at Marso habang ang pangalawa ay sa Abril at Mayo.
Dumepende aniya ang bilis ng pagbibigay ng bakuna sa mga bansa dahil may ilang bansa na mahigpit ang kanilang requirements.
Ang COVAX ay programa ng World Health Organization at GAVI vaccine alliance na magbibigay ng bakuna para sa mga mahihirap at middle-income countries.