judge reyes

CAGAYAN DE ORO CITY – Taas-noo na sinaluduhan ng ilang mga abogado sa bansa ang matapang subalit patas na pagpapalabas ng sentensiya laban sa mga pangunahing akusado sa malagim na kaso ng Maguindanao masaker.

Tumagal din ng mahigit 10 taon ang paglilitis bago nakamtan ang hustisya para sa mga pamilya ng 58 biktima.

Ito ay matapos pinatawan ng guilty verdict ni Quezon City Regional Trial Court Branch 221 Presiding Judge Jocelyn Solis-Reyes ang magkapatid na Zaldy at Andal Ampatuan Jr kasama ang ibang kasabwat sa nabanggit na krimen kahapon ng umaga.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Intergrated Bar of the Philippines (IBP) National Capital Region Chapter Executive Vice President Atty Domingo Cayosa, ang angkin na tapang at hindi pag-inhibit ni Reyes sa kaso ay malaking papel upang mapalakas ang mga ebidensiya na nagdiin sa mga akusado.

Inihayag ni Cayosa na totoong mahaba ang panahon na nagamit dahil sa dami rin ng mga akusado at mga testigo na dapat mabigyang pagkakataon na marinig ang panig upang mabuo ang sentensiya ng kaso.