Sinovac C1
-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Nakiisa si Cotabato Vice-Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza sa ginanap na vaccine roll-out simulation sa Municipal Gymnasium ng bayan ng Carmen Cotabato.

Ito ay matapos ang malawakang distribusyon ng paunang batch ng vaccine laban sa Covid 19 pandemic sa maayos ng koordinasyon ng Department of Health o DOH at ng Rural Health Unit o RHU ng Carmen.

Todo suporta rin sa aktibidad si Carmen Municipal Mayor Moises Arendain, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga Heads of Offices, mga Barangay Health Workers o BHW at iba pang stakehokders ng bayan.

Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Arendain sa pagdating ng alokasyon Sinovac vaccine sa kanyang bayan para sa mga frontliners upang matiyak ang kailigtasan ng bawat isa ngayong mas pinaluwag pa ang paglabas pasok sa probinsya.