Prayer 1

CENTRAL MINDANAO – Hinikayat ni Cotabato Governor Nancy Catamco ang mamamayan ng probinsya na makiisa sa gagawin na Provincial day of Prayer.

Sabay-sabay na magdadasal ang mga residente sa North Cotabato sa kanilang tahanan para iligtas ang mamamayan ng probinsya at buong bansa laban sa banta ng COVID-19.

Nais ng gobernadora magabayan ng banal na patnubay ang ating mga pinuno.

Gayundin basbasan ng Panginoon na mapagaling ang mga nagdurusa sa nakakahawang sakit at protektahan ang lahat ng mga kalalakihan at kababaihan na mga frontliners na nagtatanggol laban sa Covid 19.

Dineklara ni Gov Catamco ang Marso 28, 2020 na “a day of prayer” sa probinsya ng Cotabato sa inisyu nitong Executive Order # 20 series of 2020.

Nanawagan pa ang opisyal sa mga residente sa buong probinsya na magdasal na gagawin alas-9:00 ng umaga, alas-12:00 ng tanghali at alas-3:00 ng hapon ngayong araw.