CENTRAL MINDANAO – Umaabot sa 600 locally stranded individuals (LSI) ang nakatakda nang bumyahe pauwi sa probinsya sa susunod na linggo.
Ito ay matapos ipinag-utos ni Governor Nancy Catamco sa Task Force Sagip Stranded ang pagsasaayos ng mga dokumento at koordinasyon sa mga stranded na kailangan pang makauwi sa probinsya.
Dagdag na apat pang exclusive sweeper flights ang inihanda ngayon ng provincial government upang sakyan ng maraming pang LSI na nagnanais makauwi sa probinsya ngunit walang masakyan.
Sa ginanap na pagtitipon ng RIATF sa Sultan Kudarat, sinabi ng gobernador na ramdam nya ang dinaranas na pagkabahala at kahirapan ng mga stranded at ito ang naging dahilan na nais nyang silay tulungan.
Tatlong exclusive sweeper flights ang unang pinalipad ng provincial government dalawang linggo na ang nakalipas upang makauwi ang mga LSI mula sa Maynila at Visayas.
Inaasahan na makakalapag sa paliparan ng Davao City ang mga sweeper flights simula July 14 at sa mga araw na susunod.
Ang bawat flights ay maglalaman ng 170 hanggang 200 na mga LSI.
Sila ay susunduin mula sa airport gamit ang mga private vans.
Sasailalim sila sa decontamination sa provincial capitol at itu-turnover sa LGU kung saan sila sasailalim ng 14-day quarantine.
Hiling ng ating gobernador ang kooperasyon ng mga LSI upang matiyak ang kaligtasan ng komunidad.
Gayundin ang obserbasyon ng tamang health protocol sa mga sumusundo na kinatawan ng TF SaGIP Stranded.