-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Nakahanda ngayong makipagtulungan si Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza sa BARMM Government lalo na sa usapin ng edukasyon.
Ito ang kanyang inihayag sa pagbisita ni Schools Division Superintendent for Special Geographic Area of BARMM Edgar S. Somapal kung saan isinangguni nito sa kanya ang problema ng kakulangan ng guro sa 63 barangay na dating sakop ng probinsya.
Ayon sa gobernadora, titingnan niya kung sa anong kaparaanan makakatulong ang pamahalaang panlalawigan sa pagresolba ng nasabing problema.