CENTRAL MINDANAO – Personal na nakita ni Governor Nancy Catamco ang paghahanda ng modules na ginawa ng mga guro ng Kilagasan Elementary School.
Kasama si Mayor Herlo Guzman, nakita ng gobernadora ang modules na kasalukyan nilang piniprinta bilang bahagi ng paghahanda sa pormal na pagsimula ng klase.
Si school head Rhodora Magliwan, sampu ng mga guro ng iba’t ibang baitang sa elementarya ay kanya-kanyang nagsikilos matiyak lamang na magkkaaroon ng mga modules ang mga estudyante.
Makulay ang modules, at maingat itong inisa-isa at tantyado na ang dami.
Nabatid ng gobernadora na malaki ang pangangailangan ng bond papers at kinailangan nilang maghanap ng paraan upang makompleto ang bilang ng modules.
Sa harap ng hinaing tiniyak ng gobernadora na iaakyat nya sa mataas na pamunuan ng DepEd ang sitwasyon.
Nagpaliwanag ang gobernadora na nagtalaga na ng mahigit P86 milyon ang provincial government sa pamamagitan ng Special Education Fund upang suportahan ang pagbukas ng klase gamit ang panibagong paraan ng pagtuturo sa gitna ng pandemya.
Inaasahan ang patuloy na konsultasyon na gagawin ng gobernadora tungkol sa pagpapatakbo ng edukasyon sa ilalim ng new normal.