-- Advertisements --
Ibinahagi ng cosplayer na si Alodia Gosiengfiao na ito ay ‘engaged’ na sa nobyong si Christopher Quimbo.
Sa kaniyang social media ay ibinahagi nito ang nangyaring proposal.
Isinagawa ang proposal sa winery ng pamilya ni Quimbo kung saan dumalo ang pamilya ng bawat isa.
Sa simula ay nagduda na ito sa mga naka-display na mga kandila sa kapaligaran at ng alukin na siya ng nobyo ay hindi na ito nagdalawang isip.
Magugunitang isinapubliko ng dalawa ang kanilang relasyon noong Abril.
Magugunitang noong nakaraang taon ay naghiwalay na sila ng nobyong vlogger din na si Wil Dasovich sa loob ng apat na taon.