Titiyakin umano ng Department of Health (DOH) na palagi nitong ia-update ang listahan ng mga bansa na hindi muna papayagang makapasok sa Pilipinas para maiwasan ang pagkalat pa ng bagong coronavirus variant.
Inihayag ito ng DOH dahil dumadami pa ang mga bansang nakakapagtala ng bagong variant ng deadly virus.
Katuwang ang Department of Foreign Affairs (DFA) ay nakahanda raw ito na magbigay ng rekomendasyon sa kung ano-anong mga bansa ang dapat na ring isama sa listahan.
Hindi naman isasali ng health deaprtment ang mga bansa na unofficial pa ang reports o kung ang impormasyon ay manggagaling lamang sa mga media outlets.
Sa ngayon ay 20 bansa ang kasama sa travel ban kung saan ang mga ito ay nakapagtala na ng kaso ng bagong variant ng coronavirus.