Kinumpirma ng piinuno ng vaccines regulator mula Germany na posible ng makatanggap ng coronavirus vaccine ang mamamayan ng nasabing bansa sa taong 2021.
Nasa 12 drugmakers na sa buong mundo ang kasalukuyang nagsasagawa ng advanced clinical trials sa libo-libong katao na umaasang magiging matagumpay ang mga posibleng bakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay Klaus Cichutek ng Paul Ehrlich Institut na ang mga datos na kanilang nakalap mula Phase I at Phase II trials ay nagpaqpakira ng immune response laban sa deadly virus.
“If data from Phase III trials shows the vaccines are effective and safe, the first vaccines could be approved at the beginning of the year, possibly with conditions attached,” wika nito.
“Based on assurances from manufacturers, the first doses for people in Germany will be available at that time, in accordance with the priorities set by the Standing Committee on Vaccination,” dagdag pa ni Cichutek.
Umabot na ng 226,914 ang kabuuang bilang ng coronavirus cases sa Germany, batay sa inilabas na impormasyon ng Robert Koch Institute (RKI).
Hindi naman ikinakaila ng German biotechnology firm na CureVac ang mabilis na proseso para sa approval ng kanilang sariling bakuna at inaasahan ng mga ito na mailalabas na nila ang mga gamot sa 2021.