-- Advertisements --

Pinatutsadahan ni US President Donald Trump ang US Senate na tigilan na ang ginagawa nitong partisan politics at ipasa na lamang stimulus package bill.

Ito ay para simulan na unti-unti ang pagbangon ng ekonomiya ng Estados Unidos na lubhang naapektuhan ng coronavirus pandemic.

Sa isang press conference na ginanap sa White House, sinabi ni Trump na kailangan nang magkaroon ng kasunduan hinggil sa naturang panukala.

Hindi rin daw ito ang tamang panahon para pairalin ang political agendas.

Aminado rin ang American president na posible pang lumobo ang bilang ng mga Amerikanong madadapuan ng COVID-19.

Ngunit aniya naniniwala pa rin ito na makakabangon kaagad ang Amerika mula sa krisis sa loob lamang ng ilang linggo.

“I’m not searching at months. This is heading absent. We’re going to win the battle,” ani Trump.

Isiniwalat din ng presidente na negatibo ang lumabas sa resulta ng kaniyang maybahay na si Melania Trump na kamakailan lamang ay sumailalim din sa coronavirus testing.