Umani ng kabi-kabilang batikos mula sa mga siyentipiko at health experts si President Donald Trump dahil sa suhestyon nito na gamiting gamot laban sa COIVD-19 ang disinfectant.
Sa isinagawang coronavirus briefing sa White House, ipinakita ni William Bryan, acting head ng US Department of Homeland Security’s Science and Technology Dictorate, ang nakuhang resulta mula sa research ng US government kung saan bumabagal umano ang pagkalat ng virus sa oras na ma-expose ito sa araw at init.
Napag-alaman din sa naturang pag-aaral na sa loob lamang ng limang minuto ay kayang puksain ng bleach o disinfectant ang virus na nananatili sa laway o respiratory fluids ng isang indibidwal na positibo sa coronavirus.
Dahil dito ay sinabi ni Trump na pwedeng i-expose na lamang ang katawan ng pasyente sa UV light.
Nagbabala naman ang mga doktor na maaaring magdulot ng hindi magandang resulta ang ideya ng Republican president.
Delikado raw kasi na magkaroon ng direct contact ang mga cleansing product sa balat, mata o respiratory system.
Kalimitan din umano kasing ginagamit ito ng mga nais magpakamatay.