-- Advertisements --

Umabot ng 2,494 katao ang namatay sa Estados Unidos dahil sa 2019 coronavirus infectious disease (COVID-19) sa loob lamang ng 24 oras.

Sa ngayon ay pumalo na sa 53,511 ang overall death toll sa Amerika habang 936, 293 naman ang tinamaan ng nakamamatay na virus.

Nangunguna pa rin ang Amerika sa mga bansang mayroong pinakamataas na bilang ng kumpirmadong kaso ng sakit.