-- Advertisements --

LAOAG CITY – Mas lalo pang hinigpitan ng mga otoridad ang pag-iinspeksyon sa Moscow, Russia dahil sa banta ng coronavirus.

Sa mensaheng ipinadala ni Miss Ystiel Mina, tubong Tagudin, Ilocos Sur pero kasalukuyang nagtatrabaho sa Moscow, sinabi niya na lahat ng mga bahay o building na tinitirhan ng mga dayuhan, kasama na rito ang mga Pilipino ay pinupuntahan ng mga pulis.

Ito ay upang mag-inspeksyon ang mga otoridad at kuhanan ng temperature ang mga dayuhan sa nasabing bansa.

Ginagawa umano ito ng mga pulis para masiguro na walang coronavirus ang mga ito na pwedeng makahawa sa mga Russians.

Samantala, sinabi pa ni Mina na lahat ng metro stations sa Moscow ay nilagyan ng camera at detecting body temperature para agad mamonitor kung sino yung may lagnat na isa sa mga sintomas ng Covid-19.

Sa ngayon, umaabot na sa 17 ang kaso ng Covid-19 sa Russia.