Kinondena ng isang scientist mula sa Wuhan Institute of Virology sa China ang posibilidad na nagsimula sa kanilang pasilidad ang 2019 coronavirus infectious disease o COVID-19.
Ayon kay Yuan Zhiming, nagsimula ang virus sa seafood market at hindi sa kanilang laboratoryo.
Tanyag ang Wuhan Institute of Virology dahil sa kanilang pag-aaral tungkol sa coropnavirus na nagmula umano sa paniki.
Imposible raw na kumalat ang nakamamatay na virus sa laboratoryo dahil mahigpit umano ang ipinapatupad nilang patakaran at erhical codes para maging gabay ng kahit anong scientific research at development.
“None of our students, retirees, or staff has been infected,” dagdag pa ng scientist.
Una nang inihayag ni US President Donald Trump na sinimulan na ng kaniyang administrasyon ang imbestigasyon hinggil dito.










