-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Kasalukuyan na ang pagpapatayo sa Corn Innovation Center sa Barangay Marana 1st, Ilagan City na makakatulong sa mga magsasaka.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauaya kay City Mayor Josemarie Diaz sinabi niya na ipapatayo ang nasabing pasilidad kasunod ng naantalang proyekto ng ICorn ni dating DA Secretary William Dar.

Nasa P20 million ang pondong inilaan sa nasabing pasilidad na inaasahang matatapos sa loob ng 90 days.

Umaasa rin si Mayor Diaz na magiging daan ito sa pagtaas ng employment rate sa lunsod maging ang pagtaas ng bilang ng mga investors.

Aniya napapanahon ang proyektong ito dahil itinuring ang Ilagan City bilang Corn Capital of the Philippines.

Mapag-aaralan ang paggawa ng mga ibat iba pang produkto sa lunsod kabilang ang paggawa ng feed mill.

Tututukan naman ng DA-BAR ang research and development para maipabatid ang kahalagahan ng technology innovation and transfer.

Nais ng lokal na pamahalaan na maging ready made na ang kanilang mga corn products bago ilabas at puntirya din nilang madagdagan pa ang ani ng mga magsasaka sa lunsod sa pamamagitan ng mga seminar at talakayan sa mga corn Farmers.