-- Advertisements --

Pumanaw na ang convicted Filipino-Chinese drug queen na si Yu Yuk Lai.

Ayon sa Bureau of Corrections dinapuan ito ng acute myocardial infarction.

Kinumpirma rin ni BuCor spokesperson Gabriel Chaclag na nagpositibo rin ang biktima ng COVID-19.

Isang linggo rin itong nanatili sa East Avenue Medical Center.

Naaresto si Yu kasama ang pamangkin nitong si Wiliam Sy noong 1998 dahil sa pagbebenta ng tatlong kilo ng shabu sa isang buy-bust operation.

Taon 2000 ng maaresto rin ito noon ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force na naglalaro sa hotel-casino na dapat ay nasa ilalim siya ng hospital arrest.