-- Advertisements --
Nakuha ng Converge ang unang panalo kontra Terrafirma 124-110.
Ito ang unang panalo ng koponan sa bagong coach nila na si Aldin Ayo.
Nanguna sa panalo ng koponan ang kanilang import na si Quincy Miller na nagtala ng 38 points, 16 rebounds at limang assists.
Mula sa simula ng laro ay dominado ng FiberXers kung saan mayroon ding 18 points ang naitala ni Maverick Ahanmisi habang mayroon 11 points si Alec Stockton.
Nasayang naman ang nagawang 43 points ni Terrafirma Dyip import Lester Prosper.