-- Advertisements --
Tinambakan ng Converge FiberXers ag NorthPort Batang Pier 122-92 sa pagsisimula ng PBA Governor’s Cup.
Nanguna sa panalo ng Converge si Maverick Ahanmisi na nagtala ng 29 points, siyam na assist at anim na rebounds habang mayroong 17 points, nine rebounds at tatlong assists si Ethan Rusbatch.
Dominado ng Converge ang laro kung saan lumaki lalo ang kalamangan nila pagpasok ng ikalawang quarter ng laro.
Aminado si Converge coach Aldin Ayo na mabagal ang kanilang pagsisimula hanggang sila ay umarangkada sa second quarter at last quarter.
Ito na ang maituturing na pinakamalaking kalamangan ng Converge sa kasaysayan ng kanilang franchise.










