Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na hindi papabayaan ang pag-aaral ng mga estudyanteng apektado nang pagputok ng Bulkang Taal kamakailan.

Sinabi ni DepEd Disaster Response director in charge Roni Co na mayroon nang isinasagawang arrangement ang DepEd Reion IV-A para matiyak ang continuitiy sa pag-aaral ng naturang mga estudyante.

“So may mga deployed teachers tayo diyan, kesyo ‘yan ay affected personnel pero handa na magturo o hindi, o kaya mga deployed, nagmumula doon sa affected schools and divisions ng CALABARZON,” ani Co sa isang panayam.

Kaagad aniyang ipapatupad ang arrangement na ito sa dahil natalakay na ito nina Education Sec. Leonor Briones at mga undersecratries at heads ng mga paaralan at divisions sa CALABARZON.

Nabtid na mahigit 30,000 estudyante at nasa 1,065 personnel anaman ang apektado ng suspensyon sa operasyon ng 78 paaralan sa palibot ng 14-kilometer radius danger zone malapit sa Taal Volcano.

Hindi pa nasisilip ang mga paaralan na ito kaugnay ng kanilang status dahil sarado sa publiko ang 14-kilometer radius danger zone.

Sa ngayon, pansamantalang nananatili ang 10,169 na estudyante sa 258 paaralan na ginagamit bilang evacuation centers sa CALABARZON.