Pansamantalang sususpendehin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kanilang consular office(CO) sa Quezon City at isa naman sa Pangasinan.
Sa statement mula sa DFA, limang araw na suspendido ang kanilang operasyon dahil sa pagpositibo raw ng kanilang mga personnel sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kabilang sa mga suspendido ang operasyon ang National Capital Region (NCR) Central na matatagpuan sa Robinsons Galleria, Quezon City at ang isa ay matatagpuan naman sa Robinsons Place sa Calasiao, Pangasinan.
Hindi muna magkakaroon ng operasyon ang naturang mga opisina mula Setyembre 13 hanggang 17, 2021.
“Ten CO NCR Central personnel and two CO Calasiao personnel have been infected with COVID-19. While other personnel have been identified as close contacts. As such, both Consular Offices have temporarily suspended operations to conduct thorough disinfection of its premises and to comply with the isolation and quarantine guidelines imposed by the Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases and the Department of Health,” ayon sa DFA.
Magkakaroon naman ng re-schedule sa lahat ng mga apektadong passport appointments sa naturang period.