-- Advertisements --

Patay ang isang construction workers matapos na ito ay pagbabarilin sa lungsod ng Taguig.

Kinilala ang bikitma na si Rogelio Esteban, 49 at residente ng Mastrile St., Dulong Bayan, Brgy. Bambang, Taguig.

Sa imbestigasyon ng kapulisan, nanonood lamang ito ng TV sa kaniyang bahay at dumating ang suspek pasado ala-11 ng kagabi.

Matapos ang ilang minuto ay bigla na lamang pinagbabaril ng suspek ang biktima.

Mabilis namang tumakas ang suspek habang hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang biktima.