Tuloy na ang pagpapatupad ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na pinirmahan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Posibleng sisimulan na ngayong taon ang constuction ng mga facilities ng US sa tatlong military bases ng AFP.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, patunay ito na tuloy pa rin ang nilagdang kasunuan ng Amerika at Pilipinas sa ilalim na Duterte administration.

Sinabi ni Lorenzana na sa Basa Air Base sa Pampanga magtatayo ng storage facility ang mga Amerikano na magsisilbi nilang imbakan ng gamit kapag bibisita ang mga ito sa Pilipinas.

Inaasahan din na aayusin ng Amerika ang ilang runway sa mga kampo ng militar.

Kabilang sa mga military bases na gagamitin ng US ay matatagpuan sa Palawan at ang isa ay sa Mindanao.

Tuloy din ang joint military exercises sa pagitan ng AFP at US forces.