CAGAYAN DE ORO CITY – Ginulat ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko kaugnay sa mga maaanghang na mga binitawan na mga salita laban kay Negros Oriental 3rd District Cong. Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr.
Isinali kasi ni Duterte sa kanyang ilang minuto na talumpati ang nangyari na pagkapaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo habang hinarap nito ang ilang local officials at mga negosyante nakabase dito sa Northern Mindanao kahapon.
Bagamat isinalin ng dating pangulo sa dayalektong Cebuano ang pagtuligsa kay Teves subalit binanggit nito na matagal na umano itong mayroong alam sa mga nangyaring patayan sa Negros.
Ipinunto pa ni Duterte na ang ilegal na droga umano ang pinakadahilan kung bakit mayroong naganap na mga patayan sa nabanggit na lugar.
Kaugnay nito,nagmungkahi ang dating government trial lawyer na si Duterte na isampa na ang anumang kaso na nag-uugnay kay Teves sa Degamo massacre.
Ito ay upang malabasan ng warrant of arrest mula sa korte at agad ma-request ng Kagawaran ng Hustisya ang Department of Foriegn Affairs upang kanselahin ang pasaporte ni Teves na mag-resulta na mapadali ang pag-aresto sa kanya.