-- Advertisements --
image 413

Hindi pa rin nagpaparamdam hanggang sa ngayon sa PNP si Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr.

Ito ay sa gitna ng mga alegasyong nagdidiin sa kaniyang pangalan kaugnay sa kasong pamamaslang kay dating Governor Roel Degamo.

Una nang nakipag-ugnayan na si Teves kay House Speaker Martin Romualdez kamakailan lang kung kailan nito ipinahayag ang kaniyang pangamba para sa kaniyang pansariling kaligtasan.

Bagay na paulit ulit ding binibigyang-diin ng kaniyang abogadong si Atty. Ferdinand Topacio kasabay ng paulit ulit din nitong tinitiyak na babalik sa Pilipinas si Teves upang harapin ang naturang mga alegasyon laban sa kaniya.

-- Advertisement --

Sa pagtatanong ng Bombo Radyo Philippines ay sinabi ni PNP spokesperson PCOL Jean Fajardo na sa kabila ng lahat ng ito ay wala pa ring nagaganap na pakikipag-usap ang kampo ni Cong. Teves sa pambansang pulisya ukol dito.

Ngunit siniguro niya na handa ang PNP na bigyan ito ng kaukulang proteksyon sa oras na makabalik na ito sa bansa kahi na hindi na ito magrequest at dumaan sa mga proseso’t assessment.