-- Advertisements --

Nanawagan si Cong. Romualdez sa mga kapwa nitong mambabatas at sa sambayanang Pilipino na suportahan ang roadmap to recovery and progress na inilatag ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na binanggit sa kaniyang inaugural address.

Sinabi pa ni Romualdez na malinaw ang vision ng Pangulong Marcos kung ano ang nais nitong i-accomplish sa bansa.

Ayon kay Romualdez, moral responsibility ng bawat isa na suportahan ang pangulo at ang kaniyang administrasyon.

Binigyang-diin ni Romualdez na sila sa Kongreso at ang kaniyang mga kasamahan ay maghihintay ng mga legislative proposals na ipiprinsinta ng bagong administrasyon.

Pinuri ni Romualdez si Pangulong Marcos at nilinaw nito sa sambayang Pilipino na kanilang isusulong kasama si Vice President Sara Duterte-Carpio ang pagkakaisa sa bansa.