Inamin ni Cavite 4th District Representative Kiko Barzaga na bagama’t wala siyang kasalukuyang karelasyon, aktibo siya sa pakikipag-date — dalawa hanggang tatlong beses kada linggo umano siya nakikipag date.
Sa panayam ni Boy Abunda sinabi ng batang kongresista na masyado siyang abala sa trabaho kaya hindi muna siya pumapasok sa seryosong relasyon.
Gayunpaman, bukas daw siya sa casual dating.
Ibinahagi rin ni Barzaga na mas dumami ang nagme-message sa kanya online, karamihan ay mula sa LGBTQ+ community.
Nilinaw niyang siya ay straight at hindi nakikilahok sa ganoong ugnayan.
Isang kwento rin ang inamin ni Barzaga na minsang nakipag-date siya sa isang transgender woman na hindi niya agad nakilala bilang trans.
Aniya, wala namang nangyari sa pagitan nila at nalaman lamang niya ito mula sa kaibigan na babae.