-- Advertisements --
Umaasa si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na mabigyan ng clearance ng FIBA si Justin Brownlee para makapaglaro sa 2025 Asia cup qualifiers na gaganapin sa susunod na buwan.
Nakabinbin pa kasi ang tsansa ni Brownlee na makapaglaro dahil wala pang desisyon na inilalabas ang FIBA ukol sa anti-doping violations nito noong nakaraang taon.
Tiwala si Cone na ngayong linggo ay maipapalabas na ng FIBA ang hatol kay Brownlee.
Magugunitang nagpositibo ang 35-anyos na si Brownlee sa Carboxy-THC na iniuugnay sa canabis ng sumailalim ito sa drug test matapos ang 19th Asian Games sa China noong Oktubre 2023 kung saan nagkampeon dito ang Pilipinas.