Pinaiimbestigahan ulit ng isang kongresista ang ongoing negotiations sa pagitan ng pamahalaan at water concessionares Maynilad Inc at Manila Water Inc. patungkol sa amended concession agreements.
Sa kanyang inihain na House Resolution No. 1664, hinimok ni Deputy Speaker Speaker Bernadette Herrera ang committee on government enterprises and privatization at committee on good government and public accountability na silipin ang naturang usapin.
Ayon kay Herrera, karapatan ng publiko na malaman kung mayroong mga pagbabago na ginawa sa amended concession agreements sa dalawang water concessionaires.
Nabatid na noong 2019 inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Justice DOJ na i-review ang concession agreements dahil sa probisyon nito na umano’y disadvantageous sa pamahalaan at sa publiko.
Kaagad namang nagbigay ng kanilang rekomendasyon ang DOJ sa terms at conditions sa dalawang water concessionares noong Nobyembre 2020, na inaprubahan din ni Duterte “in principle.”