-- Advertisements --

Ipinagpaliban muli ang concert sa bansa ni Avril Lavigne.

Sa inilabas na pahayag ng producers na Wilbros Live, na inilipat na sa 2023 ang concert ng singer sa Pilipinas at sa Hong Kong.

Ayon sa kampo “Sk8er Boi” singer na nagkaroon sila ng problema sa pagbiyahe at scheduling na sanhi ng pagdesisyon nila ng nasabing kanselasyon.

Sa kaniyang social media account ay humingi ito ng paumanhin dahil sa nasabing kanselasyon.

Inanunsyo ng concert producers na kanilang iaanunsyo sa mga susunod na araw ang concert date nito at lahat ng mga nakabili ng tickets ay kanila pa ring kikilalanin.

Magugunitang noong Mayo 2020 ay nakatakda na sana ito ng mag-concert sa bansa ang singer subalit ito ay kinansela dahil sa COVID-19 pandemic.