-- Advertisements --
Inanunsiyo ng organizer ng concert ni Alanis Morissette na ginawa nilang dalawang araw na ang show ng singer sa bansa.
Ito ay matapos na ma-sold out ang lahat ng ticket sa unang araw na concert na gaganapin sa Agosto 1.
Dahil dito ay nagpasya ang organizer na isagawa ang concert sa Agosto 2.
Ang nasabing concert ng singer ay bahagi ng 25th anniversay ng album nito na “Jagged Little Pill”.
Unang itinakda ang concert noong Abril 2020 subalit ito ay inilipat sa Disyembre 2021 at nailipat sa Nobyembre 2022 hanggang tuluyang ito ay nakansela dahil sa COVID-19 pandemic.