-- Advertisements --
Kinansela ng Filipino P-pop group na SB19 ang kanilang concert sa Saudi Arabia.
Gagawin sana ang “Simula at Wakas” Concert sa Oktubre 9 sa Intercotinental Durrat Al Riyadh.
Ayon sa organizer na humihingi sila ng paumanhin sa mga fans na nag-abang dahil sa hindi maiiwasang pangyayari.
Hindi naman na binanggit ng organizers kung ano ang naging sanhi.
Tiniyak naman nila na maibabalik nila ang pera ng mga nakabili ng tickets.