Plano ng Civil Service Commission na gawin na lamang na regular ang pagssagawa ng Computerizes Examination o COMEX.
Ito ay upang mas marami pa ang mga makakakuha ng eligibility na nagnanais makapasok sa pamahalaan.
Ayon kay CSC Chair Karlo Nograles, kapag nagawa ito ng komisyon ay hindi na kailangan pa ng mga applikante na maghintay ng scheduled paper and pen examination.
Ayon sa opisyal, nasa proseso na sila ng expansion ng COMEX, upang gawin itong araw-araw.
Isa sa mga hamon dito aniya ay ang paghahanap ng provider na siyang makakatuwang nila sa pagsasagawa ng computer-assisted exam.
Batay sa inisyal na plano ng komisyon, nais nilang tularan ang istilo sa pagkuha ng Bar Exam kung saan pinapagamit sa mga examinee ang kanilang sariling laptop, batay na rin sa required specification.
Sa ilalim nito, maaaring makukuha kaagad ang resulta ng kanilang pagsusulit.