-- Advertisements --

Isinusulong ngayon ng Trade Union Congress of the Philippines ang pagkakaroon ng “Comprehensive Heat Risk Action Plan” sa lahat ng mga workplace bilang precautionary measures para sa pagprotekta sa kalusugan at kapakanan ng lahat ng mga manggagawa.

Ito ang ipinanawagan ng naturang labor group sa gitna ng matinding init ng panahon na nararanasan ngayon sa ating bansa na maaari ng magdulot ng negatibong epekto sa katawan at kalusugan ng isang tao.

Sa isang statement ay muling ipinunto ng naturang grupo ang Advisory No. 8 series of 2023 na inilabas noon ng Department of Labor and Employment na nag-aatasan naman sa lahat ng mga employers na magsagawa ng health risk assessment sa kanilang mga empleyado nang dahil sa matinding init lalo na ang mga mayroong working hours tuwing tanghaling tapat mula alas-11:00am hanggang alas-2:00pm.

Sa ilalim nito ay inaatasan din ang mga employer na bigyan ng maayos na ventilation at tubig ang kanilang mga tauhan, at pagpapatupad na rin ng kaukulang adjustments sa rest breaks ng kanilang mga empleyado.

Samantala, bukod dito ay inaatasan ang mga employer na maglunsad ng information and education campaigns kaugnay sa heat stress at kung paano ito maiiwasan.