Bigo pa rin ang Maynilad na makapagsumite sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ng mga paraan kung paano nito ma-compensate ang kanilang mga customers na apektado ng kulay putik na tubig na lumalabas sa kanikanilang mga gripo sa gitna ng service interruptions.
Ito ay matapos na ianunsyo kahapon ni MWSS chief regulator Patrick Ty na kanilang binibigyan ng 15 araw ang Maynilad na sumagot sa kanyang liham patungkol sa compensation na kanilang inoobliga mula sa naturang water concessionaire.
Ayon kay Ty, sinabihan na niya ang mga opisyal ng Maynilad na kailangan ayusin nila ang sitwasyong nararanasan ngayon dahil ang binabayaran aniyang tubig ng kanilang mga customers ay tubig na maiinom at hindi tubig na halos kulay putik na ang kulay.
Bingiyan diin ng opisyal na wala sa concession agreement ang usapin na ito pero malinaw naman aniyang nakasaad sa civil code.
Samantala, sa panayam ng Bombo Radyo, pinayuhan ni Maynilad spokesperson Grace Laxa ang kanilang mga customers sa na patuloy na mag-imbak ng tubig ngayong nakakaranas pa rin ng service interruptions.