Inihayag ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner George Garcia na kailangang i-overhaul ang mga umiiral na batas sa halalan upang umangkop ito sa pagbabago ng panahon.
Aniya, kailangang mag-adjust sa pagbabago ng panahon nang sabay-sabay.
Idinagdag pa nito na paano ka magkakaroon ng batas sa halalan na naaangkop para sa manu-manong halalan kung naka-computer ka na sa halalan.
Sinabi ni Garcia na dapat isama sa mga batas sa halalan ang pag-uutos sa mga kandidato na lumahok sa mga debate.
Iginiit ng commissioner na ang isang indibidwal na naghain ng certificate of candidacy ay agad na ituring na kandidato at hindi lamang kapag nagsimula ang campaign period.
Plano rin ni Garcia na baguhin ang campaign financing at rebisyon ng partylist law.
Ayon kay Garcia, ang pagtugon sa nasabing mga alalahanin ay maghahanda sa bansa sa darating na halalan.