Nais ngayon ng Commission on Human Rights (CHR) na may maparusahan sa pangho-hostage kay dating Sen. Leila de Lima.
Kasunod na rin ito ng pagsisimula na ng CHR ng motu proprio investigation sa insidenteng naging daan para i-hostage ang dating senador.
Una nang sinabi ng CHR na nagpadala na sila ng kanilang quick response operation mula sa kanilang opisina sa National Capital Region para sa isang motu proprio investigation.
Kasama rin sa mga iniimbestigahan ang pagkamatay ng tatlong persons under police custody (PUPCs) na mga hostage-takers na sinubukang tumakas sa Camp Crame.
Ito ay para malaman kung sino ang mga posibleng managot sa insidente.
Una rito, nabahala ang komisyon sa sinapit ng dating senadora at naging chairperson ng CHR mula 2008 hanggang 2010.