-- Advertisements --

Nakahanda ang Commission on Elections (Comelec)na ilipat ang paghahain ng Certificates of Candidacy (COC) sakaling tuluyan ng maging batas ang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Ayon kay Comelec chairperson George Erwin Garcia na pagdating sa filing ng COC, tatalakayin ito ng Comelec en banc kung hindi na matutuloy pa ang COC filing sa Oktubre dahil posibleng magkaroon ng problema o kalituhan.

Ang paghahain ng COC para sa BSKE ngayong taon ay nauna ng itinakda mula Oktubre 22 hanggang 29.

Sa kabilang bansa, ipinunto din ni Garcia na kung ihihinto ang pag-imprinta ng mga balota, gagawa ng bagong template para mag-reflect ang bagong petsa ng Barangay at Sk elections.

Sa unang linggo ng buwan ng Oktubre, sinimulan na ng Comelec ang pag-imprinta ng aabot sa 92 million ballots na binubuo ng 67,061,585 ballots para sa barangay voters at 24,457,363 ballots para sa mga kabataang botante.

Sa ngayon, tanging ang pirma na lamang ng Pangulong Bongbong Marcos ang inaantay para maging batas ang pagpapaliban ng pagsasagawa ng barangay at Sk elections ngayong taon.

Top