
Nakatakdang simulan muli ng Commission on Elections ang kanilang voter registration at “Register Anywhere” na mga proyekto sa huling bahagi ng buwang ito kasunod ng pagpapaliban ng 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Inihayag ng ahensya ang schedule ng rehistrasyon ng mga botante at sinabi ni Atty Abigail Claire Carbero-Llacuna, Comelec Education and Information Dept Director III, na magsisimula muli ang regular voter registration sa Dec.12, 2022 at tatagal hanggang Jan. 31, 2023.
Ang pagpaparehistro ng botante ay isasagawa Lunes hanggang Sabado, mula alas8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon maliban sa Dec. 24 at 31, 2022.
Isasagawa ang regular voter registration sa lahat ng opisina ng Comelec.
Ayon kay Atty. Llacuna, muling isinaaktibo ng Commission on Elections ang kanilang “Register Anywhere” na proyekto para sa mga taong mula sa kanilang mga permanenteng tirahan dahil sa trabaho, negosyo o pag-aaral.
Liban dito, magsisimula ding muli ang rehistrasyon sa ibang bansa sa Dec. 9 hanggang Sept. 30, 2024 para sa mga Pilipinong nasa ibang bansa sa petsang April 13, 2025 hanggang May 12, 2025. | Bombo Allaiza Eclarinal










