-- Advertisements --
comelec

Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na ang pagprotekta sa integridad, kredibilidad at transparency ng mga resulta ng halalan sa taong 2025 ang magiging pangunahing prayoridad nito kasabay ng paghahanda para sa pilot implementation ng online voting ng mga overseas Filipinos.

Sinabi ni Comelec chairman George Erwin Garcia na magiging partikular ang komisyon sa pagpili ng pinakamahusay na sistemang gagamitin para sa midterm elections.

Kumpiyansa din si Garcia na ang internet voting ay magpapataas ng voter turnout sa ibayong dagat.

Noong 2022 national elections, 1.6 million lamang kasi sa mahigit 5 ​​milyong overseas Filipinos ang nakarehistro kung saan 39 porsyento lamang o humigit-kumulang 600,000 ang bumoto.

Ang pagtiyak ng poll body sa tagumpay ng online voting para sa mga overseas Filipino ay mahalaga rin ayon kay Garcia dahil maaaring magresulta ito sa ganap ng paggamit na ng naturang mode sa mga susunod na halalan.