
Target ng Commission on Elections (Comelec) na payagan ang rekomendasyon na isagawa ang pagboto sa mga mall para sa 2023 barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, mainit naman ang pagtanggp ng mga mall operator sa naturang ideya.
Inihayag din ng Comelec Chairman na isagawa ang naturang pilot implementation ng pagboto sa ilang malls sa Metro Manila.
Ito ay upang malaman kung kaya na isagawa ang pagboto sa mga mall gayundin para mas mabigyan ng malawak na espasyo at mas matitiyak ang seguridad ng ating mga kababayan habang bumoboto.
Dagdag pa ng Commissioner na tanging ang mga residente lamang ng barangay na malapit sa malls ang papayagan na bumoto doon alinsunod sa Omnibus Election Code.
Inihayag pa ni Garcia na ang pagboto sa mall ay inaasahang hindi magiging magastos sa parte ng poll body dahil willing naman aniya ang mga mall na magbigay ng espasyo nang libre kapalit ng dami ng mga tao na pupunta sa mall.










