Sinuspinde ng COMELEC voter’s registration para sa mga botante sa ibang bansa sa Israel para sa 2025 midterm elections.
Sinabi ni Comelec chairperson George Garcia na ginawa ang desisyon sa pulong ng Comelec en banc.
Aniya, hindi maaaring isakripisyo ng COMELEC ang buhay ng mga Pino na nasa Israel.
Dagdag pa ni Garcia na ‘indefenite’ ang nasabing suspension at pinag-iisipan pa kung ito ay may extension.
Matatandaan na ang pagpaparehistro ng botante sa ibang bansa para sa 2025 elections ay nagsimula noong Disyembre 2022 at tatakbo sa loob ng dalawang taon.
Sinabi ng Comelec na mayroong 13,364 na rehistradong overseas voters sa Israel para sa 2022 national at local elections, kung saan 7,871 o 59% ang aktwal na bumoto.
Noong Hulyo 17, 2023, mayroong 9,906 na aktibong rehistradong botante sa ibang bansa na Filipino sa Israel.
Una na rito, ang desisyon ng Comelec ay dumating sa gitna ng patuloy na tunggalian sa pagitan ng ng Israel at militanteng grupo ng Hamas.