Sinimulan na ngayong araw ng Commission on Election (Comelec) sa Dapitan City ang pamamahagi ng mga balota sa mga malalayong barangay ng siyudad.
Ala-1:00 kaninang hapon ng umpisahan ang delivery ng mga balota.
Ayon kay Dapitan City election officer Jed Labador, aprobado na ng COMELEC En Banc ang maagang distribusyon sa mga balota.
Layon nito para walang maaksayang panahon bukas, ang araw ng halalan.
Paliwanag ni Labador,na kanila rin kinonsidera ang maagang pag distribute ng mga balota ay ang kondisyon ng panahon na bigla na lamang umulan, gaya ng nangyari nuong isinagawa ang final sealing and testing na nagkaroon ng aberya dahil sa naitalang mga pagbaha at landslide sa mga malalayong barangay.
Dagdag pa ni Mr. Labador, sa 50 mga barangay sa siyudad ng Dapitan sa Zamboanga del Norte, 36 dito ay nakuha na ang kanilang mga balota.
Madaling araw ng Lunes, ipagpapatuloy ang distribusyo ng mga balota sa mga barangay na nasa sentro ng siyudad.
Walang naitalang mga untoward incidents ang Dapitan PNP habang isinasagawa ang distribusyon ng mga balota.