-- Advertisements --
Tinitignan ngayon ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsuspendi ng voter registration ng mga overseas Filipino workers sa Israel.
Ito ay dahil sa pagsiklab ng kaguluhan doon ng umatake ang mga Hamas Militants.
Sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia na plano ng commision na irekomenda ang indefinite suspension ngayong araw ang voters registration para mabigyang prioridad ang kaligtasan ng mga manggagawang Pinoy doon.
Mula pa aniya noong linggo ay sarado na ang embahada ng bansa Israel subalit nagbukas muli sila nitong Lunes.
Magugunitang patuloy na binabantayan ng Department of Foreign Affairs ang kalagayan ng mga Pinoy sa lugar.










