-- Advertisements --
image 163

Plano ng Commission on Elections (Comelec) na makipag-partner sa Department of Social Welfare and Development para magsagawa ng voter education sa mahigit isang milyong mga benepisyaryo ng Pantawid Pilipino Program (4Ps).

Inisyu ng poll body ang naturang pahayag kasabay ng pagpapakita ng interes para sa paglagda ng isang memorandum of agreement (MOA) kasama ang DSWD.

Pangungunahan ni Commissioner Socorro Inting mula sa Comelec at Undersecretary Vilma Cabrera para sa DSWD ang naturang proyekto.

Ayon sa Comelec sa pamamagitan ng naturang programa mabibigyan ang mahigit milyong households ng orientations at instructions sa nation-building at pagkamakabayan gayundin sa kahalagahan ng demokrasiya sa pamamagitan ng isang responsable, educated at responsableng pagboo.

Ang mga paksa na tatalakayin sa seminars ay ang pagpapaalam sa publiko kaugnay sa kahalagahan ng pagiging isang botante, step-by-step process ng voterregistration, mga kwalipikasyon at tungkulin ng inihalal na mga opsiyal sa barangay at SK at paglaban sa maling impormasyon tuwing halalan.

Ang naturang voter’s education campaign para sa 4Ps ay matagal na ring isinusulong na masimulan ng poll body sa layuning mapigilan ang vote buying na laganap sa mga mahihirap na Pilipino.