-- Advertisements --
image 668

Pinaplano ng Commission on Elections (Comelec) na gawing automated na sa hinaharap ang barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia.

Mula kasi noong 2010, ginagamit na ng poll body ang automated elections system (AES) para sa national at local elections.

Kayat bilang parte ng pagsisikap ng poll body na mag-shift sa automated barangay at SK elections, nakatakdang magsagawa ng poilot-test ng automated elections sa Barangays Zone II Poblacion at Paliparan II sa Dasmariñas, Cavite at sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City.

Ipinaliwanag ng Comelec chairman na magbebenipisyo ang mga guro na magsisilbi bilang electoral board members sa automated BSKE dahil mababawasan ng halos 24 oras ang kanilang trabaho kumpara sa manual setup kung saan mano-mano ang pagbibilang ng mga boto sa manual election.

Ayon pa kay Garcia, mahaba aniya ang proseso kayat hindi aniya mapagkakaila na mas convenient ang pagbibilang ng mga boto gamit ang automated machines kung saan sa loob lamang ng 30 minuto ay mayroon ng resulta.